in

Travel adventures ng mga celebrity, babalikan sa ‘Road Trip’

Simula ngayong Sabado (June 13), pwede na nating balikan ang mga nakatutuwang biyahe ng paborito nating mga artista dahil muling mapapanuod ang travel-reality program na Road Trip pagkatapos ng Imbestigador.

Unang umere ang nasabing public affairs show noong 2017 kung saan tampok ang adventures at life realizations ng mga sikat na artista habang pinapasyalan nila ang iba’t ibang lugar sa loob at pati na sa labas ng Pilipinas.

Ngayong Sabado, muling mapapanuod ang biyahe ng Legaspi Family sa napakagandang Batanes. Kasama nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy sa adventure na ito.

Ano kaya ang reaction ng Legaspi family kapag muli nilang napanuod ang kanilang bonding sa Norte? Kami rin excited na muling balikan ang Road Trip nila sa Batanes. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Max Collins, nagpapalakas na for the big day!

‘Amazing Earth,’ mapapanood na sa mas pinaagang timeslot tuwing Linggo!