in

Ken Chan, certified pet lover na

Bukod kina Carla Abellana at Heart Evangelista na kilalang mahilig sa mga hayop, isa na ring certified pet lover ang Kapuso actor na si Ken Chan.

Sa kasalukuyan ay nag-aalaga siya ng isang short haired cat, Siberian husky, sun conure bird, at mga pagong.

Ayon kay Ken, “Sobrang iba ‘yung peace na binibigay sa akin ng pets ko. ‘Yung turtle ko, ‘yung parrot, ‘yung mga aso, ‘yung pusa ko, iba parang pakiramdam mo mayroon kang barkada hindi lang sa ‘kin, sa buong family na rin.” 

May paalala naman si Ken sa mga nagbabalak na mag-alaga ng hayop. “Handa ka na alagaan sila. Handa ka na dapat na maging member sila ng family mo kasi hindi biro ang mag-alaga ng isang animal. Kailangan responsable tayo,” aniya.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Part 1 ng ‘How Do You Feel?: Usapang Artista’ Pride month special, mapapanood ngayong Sabado

Rollout ng ABS-CBN Tvplus, alinsunod sa mandato ng gobyerno