in

Cast ng ‘Prima Donnas,’ may sorpresa sa kanilang fans

Kahit halos magta-tatlong buwan na magmula ng huling mapanood ang top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas sa telebisyon, marami pa rin ang naghahangad na muling masilayan on screen ang kanilang paboritong Kapuso stars.

Sino ba naman ang makakalimot sa pang-aalipusta ni Kendra (Aiko Melendez) kay Lilian (Katrina Halili) na tanging hangad lamang ang ikabubuti ng tatlong Donnas na sina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Abalan), at Lenlen (Sofia Pablo)?

At sino rin ba ang hindi nag-init ang dugo sa spoiled brat na si Brianna (Elijah Alejo) na walang ginawa kung hindi pahirapan ang tatlong donnas at pagmukhain silang masama sa harap ng tatay-tatayan nitong si Jaime (Wendell Ramos)?

Paniguradong magdiriwang ang fans at masugid na tagasubaybay ng Prima Donnas dahil may inihandang special surprise ang buong cast para sa lahat.

Abangan kung ano ito at tumutok lang sa GMA para sa mga susunod na updates!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Amazing Earth,’ mapapanood na sa mas pinaagang timeslot tuwing Linggo!

Benedict Cua, may aaminin kay Kate Valdez?