in

Benedict Cua, may aaminin kay Kate Valdez?

Paniguradong magdiriwang ang mga Team Caitlyn (Kate Valdez) at Benny (Benedict Cua) mula sa GMA series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday dahil may ‘special’ vlog ang karakter ni Benedict para sa karakter ni Kate ngayong darating na Lunes (June 15).

Hindi dapat palampasin ang vlog ni Benny na pinamagatang ‘BFF Love 101’ tungkol sa mga taong nais umamin ng kanilang tunay na nararamdaman sa kanilang kaibigan.

Bago ipatigil ang taping ng serye bunsod ng COVID-19 pandemic, matatandaang hindi pa rin nakaka-get over si Caitlyn sa ex nitong si Cocoy (Migo Adecer) na napupusuan pala ang bestfriend na si Ginalyn (Barbie Forteza). Na-appreciate naman ng Kapuso viewers ang pag-comfort at pagiging mabuting kaibigan ni Benny kay Caitlyn.

Hindi rin tuloy mapigilan ng ilan na mapansin ang chemistry ng dalawa, “Caitlyn, sana makita mo naman si Benny na nagmamahal sayo ng totoo.”

Inamin din ng real-life vlogger turned actor na si Benedict ang kanilang close relationship ni Kate maging sa likod ng camera.

“Si Kate, hands down, inaalalayan niya ako sa kahit anong mga scenes. Sinasabi ko sa kaniya, ‘Kate alam mo kinakabahan ako, nate-tense ako. [Hinahaplos] niya ‘yung back ko. Sabi niya ‘Kaya mo ‘yan, kaya mo ‘yan. Ganyan din ako ‘noong umpisa,” pagku-kwento ni Benedict.

Marami naman ang nag-aabang sa special vlog na ito ni Benedict lalo pa at isa talaga siyang kilalang YouTuber bago pa man naging artista at maging parte ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

Tutukan ang special vlog ni Benny na dedicated to Caitlyn sa darating na Lunes (June 15), 8PM, sa official Facebook at YouTube accounts ng GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Cast ng ‘Prima Donnas,’ may sorpresa sa kanilang fans

#ThinkTok ng ’24 Oras,’ patok sa viewers