in

Rhian Ramos, naniniwalang epektibo ang rerun ng teleseryes ngayong quarantine

Pabor ang Kapuso star na si Rhian Ramos sa pansamantalang pagpapalabas ng mga lumang shows habang naka-quarantine at hindi muna makabalik sa taping ang mga artista.

Sa ganitong paraan daw kasi ay nabibigyan ng “second life” ang mga dating programa.

Pahayag niya, “Sa ngayon, I think it’s a good idea na binabalik ‘yung mga dating shows. Kasi marami doon sa shows na ‘yun, ginawa sa panahon na hindi pa uso ‘yung i-stream online or anything like that. It’s good that these shows have a second life.”

Gayunpaman, nananatiling excited si Rhian sa pagdating ng panahon na makakabalik na sila sa set ng pinagbibidahang GMA Telebabad series na ‘Love of my Life.’

“Ako excited ako for that time when the station decides safe na para sa ating lahat na magtaping ulit. Excited talaga ‘ko for that time.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Yasmien Kurdi, at home sa pagiging Kapuso

Dion Ignacio, proud na naging parte ng ‘StarStruck’