in

Paolo Contis, ibinahagi kung kanino nagmana si Baby Summer

Sa recent online interview nina Paolo Contis at LJ Reyes, ibinahagi nila kung kanino nagmana si baby Summer.

Ayon sa ‘Bubble Gang’ mainstay, maganda raw ang combination ng ugali nila na nakuha ng anak.

“Masasabi ko rin kasi na yung combination, nakuha talaga pareho. Sobrang ma-PR si Summer, kay LJ ‘yun. ‘Yung humor sa akin. So it’s a good combination. Masaya, kumbaga siya yung inspirasyon namin sa bahay, pang-aliw sa lahat.”

Dagdag pa ni LJ, kahit daw ang anak na si Aki ay kinagigiliwan din si Summer.

“Kahit si Aki, pag nabo-bore siya, kunyari wala na siya maisip gawin, pupunta siya kay Summer para malibang siya.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jeric Gonzales, ano ang proudest Kapuso moment?

Yasmien Kurdi, at home sa pagiging Kapuso