in

Dion Ignacio, proud na naging parte ng ‘StarStruck’

Isa sa pinakamahalagang parte ng buhay ni Dion Ignacio ay nang mapabilang siya sa first season ng reality-based artista search na StarStruck 17 years ago.

Kuwento niya, “Ang proudest moment ko po bilang Kapuso talent is noong napabilang po ako sa StarStruck, napasali sa Final 14. Dahil dito, natulungan ko ‘yung mga kapatid ko, family ko, at nakaipon ako.”

“Dahil po do’n sobrang thankful and grateful ako sa lahat ng projects na natatanggap ko ngayon at nagpapasalamat po ako sa tiwala na binibigay sa ‘kin ng GMA Network,” dagdag pa ni Dion. 

Matapos gumanap ng ilang supporting roles, unang bumida si Dion bilang Raul Agoncillo sa remake ng ‘Saan Darating Ang Umaga?’ noong 2008 kung saan katambal niya si Yasmien Kurdi. Sa ngayon, ginagampanan niya ang karakter ni Zander Rodriguez sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rhian Ramos, naniniwalang epektibo ang rerun ng teleseryes ngayong quarantine

Mikee Quintos, may dilemma sa pag-aartista at pag-aaral?