in

Rocco Nacino, tumulong sa pag-aayos ng kanyang bahay

Sa latest Instagram video ng Kapuso actor na si Rocco Nacino, mapapanood dito ang ginawa niyang pagtulong sa pag-aayos ng kanyang bahay.

Nakalipat na sana ang Descendants of the Sun actor sa kanyang bagong bahay ngayong taon ngunit naudlot ito bunsod ng COVID-19 pandemic.

Sa video, makikitang tumutulong siya sa paglalagay ng tiles sa facade ng kanyang bahay. Nagpasya siyang tulungan ang nag-iisang construction worker na gumagawa sa kanyang bahay para mapabilis ang trabaho at pag-aayos nito.

Pinasilip din ni Rocco ang ipinapatayong bahay sa kanyang fans kung saan ipinakita niya ang kanyang game room, patio, office, master bedroom at ang ensuite toilet and bath.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mark Herras at Nicole Donesa, engaged na!

Sheryl Cruz: “Now is my proudest Kapuso moment.”