in

‘My Husband’s Lover,’ mapapanood na tuwing Linggo!

Simula June7, tuluy-tuloy pa rin ang controversial love triangle nina Lally (Carla Abellana), Vincent (Tom Rodriguez), at Eric (Dennis Trillo) sa bagong timeslot ng My Husband’s Lover tuwing Linggo, 11:15 ng gabi, sa GMA Network.

Handa nang bitiwan at kalimutan ni Vincent ang mga alaalang naiwan ng makasalanan niyang nakaraan para na rin payapa siyang makapagsimulang muli kasama si Lally.

Matapos masaksihan ang walang-awang pangungutya at pambubugbog ng amang si Armando (Roi Vinzon) sa pinsang binabae na si Zandro (Keempee de Leon), magkaroon pa kaya ng lakas ng loob si Vincent na umamin ng tunay niyang pagkatao?

Tutukan ang mas kapana-panabik na mga kaganapan sa My Husband’s Lover tuwing Linggo, 11:15 pm, pagkatapos ng The Boobay at Tekla Show.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

JakBie reunited, nagTikTok together after 3 months!

Buhay quarantine ni ‘Pepito Manaloto,’ dapat abangan!