in

Carla Abellana, binati ang anak ni Kris Aquino na si Josh sa kaarawan nito

Nag-post ng throwback photo si My Husband’s Lover star Carla Abellana kasama ang boyfriend nitong si Tom Rodriguez at mga anak ni Kris Aquino na sina Josh at Bimby sa kanyang Instagram story.

Binati kasi ng Kapuso actress ang panganay na anak ni Kris na si Josh na nagdiwang ng kanyang ika-25th birthday nitong June 4.

“Happy birthday, Josh! Thank you for all your, your mom, and Bimby’s support! – Kuya Tom and Ate Carla.”

Ang throwback photo na ipinost ni Carla ay mula sa premiere night ng pelikula ng TomCar na No Boyfriend Since Birth noong November 2015.

Bago pa ang pagdalo ng mga anak ni Kris sa premiere night ng movie ng TomCar, nagkatrabaho na dati sa isang proyekto sina Tom at Bimby.

Samantala, habang tigil muna sa taping ang Love of my Life, mapapanood sina Tom at Carla sa rerun ng My Husband’s Lover sa bago nitong timeslot tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng The Boobay and Tekla Show simula June 7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sheryl Cruz: “Now is my proudest Kapuso moment.”

Rhian Ramos, mas gumanda ang komunikasyon sa boyfriend ngayong quarantine