in

Bagong K-drama na hatid ng The Heart of Asia, inaabangan na ng netizens

Mayroon na namang bagong dapat abangan na Korean drama na aantig sa puso at isipan ng mga manonood.

Sa isang Facebook post, nagpatikim ang GMA The Heart of Asia ng ilang clues tungkol sa Korean drama na ihahatid ng Kapuso Network. Mala-breaking news ang dating ng imahe na may kasamang caption na, “Dadagundong ang pagnanasa at ambisyon sa parating na K-Drama sa Primetime. Abangan.”

Sa comments section, kanya-kanyang hula ang fans. Ayon sa isang netizen, “Sana period drama para maganda. Halos lahat ng period drama tinangkilik dito sa atin.”

Ani naman ng isang fan, “’Wag kayong ganyan Heart of Asia, teary eyes na naman ako. ‘Di ako makakatulog niyan.”

Mayroon ng mahigit 1,000 likes at mahigit 100 shares ang nasabing post. Ano sa palagay ninyo ang bagong K-drama na hatid ng The Heart of Asia ng GMA?

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aiai Delas Alas, may giveaway para sa kanyang followers

Aicelle Santos, alay sa frontliners ang kantang “Tuloy Tuloy Lang”