in

‘Unang Hirit’ barkada, miss na ng viewers mapanuod na magkakasama

Isa ang Unang Hirit sa iilang TV programs na napapanuod sa kabila ng enhanced community quarantine noon.

At kahit general community quarantine na ngayon sa Metro Manila, limitado pa rin ang hosts na nasa UH studio—madalas ay sina Arnold Clavio at Connie Sison.

Habang ang ibang hosts tulad nina Suzi Entrata-Abrera, Lhar Santiago, Lyn Ching, Love Añover-Llanko, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, Mariz Umali, at si Mang Tani Cruz ay work from home ang set up.

Si Luane Dy naman ay naka maternity leave at ini-enjoy muna ang pagiging first-time mom. 

Dahil dito, miss na ng viewers na mapanuod na magkakasama ang UH barkada. Bukod sa maiinit na balita, weather at traffic updates, inaabangan ng manunuod ang huntahan ng hosts in between segments.

Kasama na nga rin dito ang mga larong hindi inaatrasan ng buong UH barkada. For now, virtual chikahan at bonding na nga lang muna sila on TV para di natin sila sobrang ma-miss. At siya nga pala, starting Monday (June 8), mapapanood na ang Unang Hirit simula 5:30 am.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jeric Gonzales, hinarana ang mga netizens

Jeremiah Tiangco, Hannah Precillas, at Garrett Bolden, triple treat ang hatid sa Playlist Live