in

GMA Comedy, kaisa sa pagbibigay ng pag-asa sa mga Pilipino

Patuloy ang pakikiisa ng Kapuso Network sa paghahatid ng pag-asa sa mga Pilipino sa kabila ng matinding banta ng COVID-19 pandemic. Sa campaign nitong ‘Balang Araw’ na mula sa GMA Comedy, layon nitong magbigay ng ngiti sa mga tao, kasama ang mga Kapuso comedians at comediennes.

Kabilang sa proyekto na ito ang award-winning comedian at creative director na si Michael V., sina Eugene Domingo, Manilyn Reynes, Nova Villa, at cast members ng Bubble Gang, Dear Uge, Pepito Manaloto, All-Out Sundays, The Boobay and Tekla Show, at IBilib.

Paalala nila, ano man ang dumating na pagsubok, laughter is always the best medicine.

Mapapanood ang ‘Balang Araw’ sa official social media accounts ng GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Heart Evangelista, pinaalalahanan ang bashers

Gina Pareño at Jay Manalo, tampok sa ‘Magpakailanman’