in

Gabbi Garcia, muling sinariwa ang naging reaksyon nang mapabilang sa ‘Encantadia’

Napa-throwback si Kapuso actress Gabbi Garcia noong matanggap niya ang role ni Sang’gre Alena sa GMA telefantasya na Encantadia noong 2016.

May special connection daw siya sa kanyang karakter sa serye na siya ring nagbigay sa kanya ng big break sa showbiz. Hindi tuloy maiwasan ng aktres na sariwain ang naging reaksyon niya at ng kanyang co-stars nang ibalita sa kanila na kasama sila sa remake ng iconic serye.

“Sama sama kaming final cast, ako, ‘yung mga Sang’gre, si Rocco (Nacino), and si Ruru (Madrid). So kaming anim. Kinakabahan kami but then ‘nung tinawag kami as a whole cast, doon lang nila na-break ‘yung news. Nagulat na kami, may cameras na ‘eh. Sabi namin ‘Eto na ba ‘yon?’ Sobrang memorable talaga, may photos kami noon ‘eh, gulat na gulat kami.”

Dagdag pa ni Gabbi, masaya siya na nadagdagan pa ang nagmamahal sa Encantadia ngayon na muli itong pinapalabas sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikael Daez, ibinuko ang tunay na ugali ni Megan Young

LOOK: Portrait ni Carla Abellana, ibinebenta para makatulong sa stray animals at frontliners