Masuwerte raw ang Kapuso actress na si Rhian Ramos dahil sa Pilipinas siya inabutan ng quarantine at hindi sa ibang bansa. Matatandaang nagpunta ng New York si Rhian para mag-take ng ilang comedy courses.
Hindi raw niya ma-imagine kung doon siya inabutan ng quarantine dahil paniguradong ikina-stress niya ang hirap sa pag-contact sa pamilya niya.
Kuwento ni Rhian, “Alam mo ‘yung feeling na hindi mo alam ‘yung situation doon. I was worried about my family, tapos umiyak ako. Wala pa kong balita, wala pang nagre-reply sa text ko, ‘yun ‘yung stress. Pero ngayon nasa iisang time zone lang tayo so madali lang kamustahin yung pamilya ko. Pero kung sa New York? Mag-struggle ako ngayon. Kasi mahirap ‘yung mga first time mag-adulting. Mahirap siya right now kung hindi ka naman marunong to do all of your chores or to feed yourself. Tapos ito pa ‘yung nangyayari sa mundo.”
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/06/rhianrelieveecq.jpg)
Samantala, muling napapanood si Rhian sa rerun ng ‘Stairway to Heaven’ sa GMA Afternoon Prime.