in

Apology vlog ni Barbie Forteza, pinag-usapan ng netizens!

Marami ang naka-miss sa kadaldalan at kakulitan ng beshie ng bayan na si Ginalyn (Barbie Forteza) mula sa hit GMA primetime series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday kaya naman hindi kataka-taka na tinutukan ng netizens ang apology vlog niya para sa sishie na si Caitlyn (Kate Valdez) noong Lunes.

Matatandaan na bago huminto ang taping ng mga serye, marami ang nakaantabay sa susunod na kaganapan sa pagitan ng magkaibigang Ginalyn at Caitlyn matapos humantong sa awayan ang kanilang friendship dahil kay Cocoy (Migo Adecer).

At dahil naka-quarantine pa rin ang karamihan, dinaan na lang ni Ginalyn ang kanyang saloobin at paghingi ng tawad sa pamamagitan ng apology vlog niya slash make-up tutorial na kung tawagin niya ay ‘Mukhang Hindi Nasaktan Look’.

Bumuhos naman ang suporta kay Ginalyn mula sa netizens na sobrang naaliw sa naturang vlog na may halos 200k views na agad, “Kahit Ginalyn ang role dito ni Barbie, parang lumalabas talaga ang real self niya sa vlog na ‘to.”

Bukod sa hatid na comedy, marami rin ang naiyak sa heartfelt message ng bida, “Ba’t nakakaiyak yung ibang part ng vlog ni Ginalyn? Indeed, Barbie Forteza is the best!”

Samantala, sa susunod na Lunes (Hunyo 8) ay mapapanood naman ang reaction vlog ni Caitlyn ex-sishie nito na pinamagatang “My Reaction to my (snake) Friend Apology! Plus Tips on How to Spot that (snake) Friend” sa official YouTube channel at Facebook page ng GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rhian Ramos, relieved na sa Pilipinas inabutan ng quarantine

Rocco Nacino, bakit hindi kabilang sa frontliners?