Para sa mga proud ‘promdi’ or ‘from the province’, nakatutuwang mapanuod ang mga TV program na naka-focus sa mga balita at happening sa kanilang home province.
Ilang taon na rin itong ginagawa ng GMA Network sa pamamagitan ng regional arm nito na GMA Regional TV. Layunin ng GMA RTV na mas mabigyang-serbisyo ang mga Kapuso sa iba’t bang panig ng bansa sa pamamagitan ng local TV shows.
Naging matagumpay ito sa mga local newscast na Balitang Amianan sa North Central Luzon, Balitang Bisdak sa Eastern at Central Visayas, One Western Visayas sa Western Visayas, at One Mindanao na sakop ang karamihan sa Mindanao.
Ngayon nga ay pati sa Metro Manila, napapanuod na ang mga local newscast na ito dahil mayroon ng “GMA Regional TV Strip” sa GMA News TV. Mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 9:45 pm, ipinalalabas sa GMA News TV ang newscast ng GMA Regional TV na nauna nang umere sa local channels nito sa araw na iyon.
Pagdating naman ng Sabado, mapapanuod din sa GMA News TV ang “GMA Regional Weekend News” na inihahatid ang mga maiinit na balita mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Hanga kami sa dedikasyon ng Kapuso channel na maabot pa ang mas maraming Pilipino sa bawat sulok ng Pilipinas. Kaya naman bagay na bagay ang tema ng 70th anniversary ng GMA–ang “Buong Puso para sa Pilipino”.