Sinorpresa ng Kapuso actress na si Kim Domingo ang kanyang fans matapos niyang ianunsyo na magkakaroon na siya ng sarili niyang YouTube channel.
Sa latest Instagram post ng Bubble Gang star, sinabi niyang malapit nang mapanood ang kanyang first ever video kung saan sasagutin niya ang mga tanong ng kanyang followers.
Aniya, “Ito na ang patiKIM sa aking FIRST EVER VLOG! Kaya mag-SUBSCRIBE at i-hit ang NOTIFICATION BELL para updated kayo once na ma-upload ko na ang full video! For my YouTube Channel, link in my bio. Excited na ba kayo?”
Kabilang sa kanyang sasagutin ay kung kailan niya na-realize na ayaw na niyang magkaroon ng sexy image bilang artista.