Karamihan sa atin ay tatlong buwan nang nananatili sa bahay para makaiwas sa COVID-19, at siguro marami na rin sa atin ang nasasanay na sa ika nga ‘new normal’ na ito. Sa video series ng GMA Pinoy TV na “DM is the Key”, kung saan ang ibig sabihin ng DM ay ‘distansya muna’, nag-share ang ilang Kapuso personalities kung paano sila nag-aadjust sa sitwasyong ito.
Ikinuwento nina Ken Chan, Kyline Alcantara, Kris Bernal, Betong Sumaya, Susan Enriquez, at pati na rin ang real-life couple na sina Andrea Torres at Derek Ramsay ang kanilang mga personal experience sa pagpa-practice ng social distancing at kung ano ang mga ginagawa nila habang naka-home quarantine.
Dahil sa panahon ngayon, pare-pareho rin tayong sabik nang makasama ang ating mga mahal sa buhay kaya lalong gamit na gamit ang social media pati na rin ang ilang video messaging apps para kahit paano eh mabawasan ang pangungulila sa isa’t isa.
Gayunpaman, kailangan pa rin nating dumistansya muna para maprotektahan natin ang ating mga sarili pati na rin ang ating kapwa. Kaya naman, DM is the key talaga!