Sinong mag-aakala na ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista ay dati pa lang varsity player ng table tennis noong nag-aaral pa siya sa UP Diliman.
Sa kanyang YouTube vlog na ‘What makes you tick? Talk’, masayang nakipag-chikahan si Christian sa guests niya at kapwa mahilig sa sports na sina iBilib host Chris Tiu at sports commentator Mark Zambrano.
Pagbabahagi ni Christian, marami raw ang nagugulat sa tuwing kinukwento niya ang pagiging varsity player niya noong college.
Ani Christian, ala-sais pa lang ng umaga ay gising na siya upang tumakbo sa academic oval bago um-attend ng kanyang architecture classes noon sa UP Diliman at saka magte-train muli sa gym. Nagulat naman ang former prefessional basketball player na si Chris na nagtataka kung paano nahilig sa pagkanta ang kaibigan. “The music was always there. Hindi ko lang iniisip na career. Parang, ‘Music as a career before? No, man. I have to work at an office. Parang ganun.”
Samantala, sa mga nais ding abutin ang kanilang mga pangarap na maging musikero, bukas pa rin ang online auditions ng The Clash Season 3 hanggang June 28. Bisitahin lamang ang official website ng GMA Network para sa iba pang mga detalye.