in

Cast ng ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday,’ sasabak sa vlogging!

Masaya at relatable vlogs ang hatid ng cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday na sina Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer, at Benedict Cua na swak para sa mga naka-quarantine at stuck at home pa rin na viewers ng Kapuso primetime soap.

Bago suspindihin ang taping ng mga programa bunsod ng COVID-19 pandemic, pinakatutukan ng netizens ang naganap na alitan sa pagitan ng magkaibigang sina Ginalyn (Barbie) at Caitlyn (Kate).

Ito ay matapos malaman ng huli na ang kaibigan pala niya ang napupusuan ni Cocoy (Migo). Pinangunahan ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie ang series of vlogs sa kanyang apology vlog na pinamagatang “My First Solo Vlog!! Sorry Vlog for my Sishie” na napanood kahapon sa official Facebook at YouTube accounts ng GMA Network at GMA Drama. Hindi naman bago para sa Kapuso actress ang pagba-vlog lalo pa at mayroon itong sariling YouTube channel na may lagpas 700k subscribers.

Sa susunod na Lunes (June 8) ay mapapanood naman si Kate sa kanyang reaction vlog na “My Reaction to my (snake) Friend Apology! Plus Tips on How to Spot that (snake) Friend.”

Sa ikatlong episode (June 15) naman ay mapapanood ang real-life YouTuber na si Benedict sa vlog na “BFF Love 101” kung saan mapapaamin si Benny ng tunay na nararamdaman para sa kaibigan si Caitlyn; at sa pinakahuling vlog sa June 22, susubukan ni Migo bilang Cocoy na tuldukan ang relasyon nila ni Caitlyn at resolbahin ang hidwaan sa pagitan ng magkaibigan sa vlog na “How To Break a Woman’s Heart”.

Gawing mas masaya ang pagpasok ng bagong buwan at tutukan ang nakakaaliw na vlogs na handog ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ngayong buong buwan ng Hunyo tuwing Lunes, 8PM, sa YouTube at Facebook pages ng GMA Network at GMA Drama.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dingdong Dantes at anak na si Zia, nagkaroon ng jamming session

Christian Bautista, naging varsity player ng table tennis