in

Megan Young at Mikael Daez, sinariwa ang kanilang huling Japan trip

Dahil mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas-pasok ngayon ng bansa at hindi muna nirerekomenda ang pagta-travel bunsod ng COVID-19 pandemic, masayang balikan ngayon ang mga nakalipas na travel vacations para pampatanggal na rin ng inip habang naka-quarantine.

Sa recent YouTube vlog ng Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young, muling sinariwa ng dalawa ang kanilang trip sa Fukuoka, Japan noong November 2019 kung saan nagtampisaw si Megan sa isang ‘onsen’ o Japanese hot spring at nag-try ng iba’t ibang local cuisines.

Dahil parehas na pet at coffee lovers, pinuntahan din nina Megan at Mikael ang isang cat café na may sangkaterbang cute na mga pusa.

Natuwa naman ang netizens sa vlog ng dalawa na pampatanggal stress at boredom daw sa gitna ng quarantine, “My favorite couple. All vlogs and videos you shared since day 1 up to now I never get tired of rewatching it. Everytime you have new vids I’m so excited to watch it!”

Umabot pa nga sa international audience ang vlogs ng Kapuso couple, “I can’t get enough of you two. Step daughters got me knowing you. Love from Kenya.”

Samantala, magbabalik-telebisyon naman si Megan sa pagbibidahang GMA series na ‘Legal Wives’ kasama si Dennis Trillo habang si Mikael ay tigil naman muna sa taping ng ‘Love of my Life’ na pansamantalang pinalitan ng ‘My Husband’s Lover’ sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ruby Rodriguez, may natanggap na masarap na regalo mula sa mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos-Agoncillo

Aiai delas Alas, dinaan sa baking ang natanggap na pamba-bash