in

Jasmine Curtis-Smith, may binahaging tips kung paano makakatipid ngayong quarantine

Hindi biro ngayong panahon ang kumita ng pera lalo pa at bagsak ang ekonomiya dahil sa pagsasara ng mga negosyo bunsod ng lumalaganap na COVID-19 pandemic.

Kanya-kanya ngayong diskarte sa pagtitipid ang lahat lalo na at nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine ang ilang parte ng bansa.

Nagbigay naman ng tipid tips si Descendants of the Sun star Jasmine Curtis-Smith kung paano nga ba dumiskarte at makalikom ng extra income sa panahon ngayon ng quarantine.

Ayon kay Jasmine, paminsan-minsan na lang daw siyang nagpapa-deliver ng pagkain upang makatipid at sa halip ay siya na mismo ang nagluluto.

“I learned how to cook a long time ago and I try to apply that now. Kung mayroon man akong order, kumbaga pang-‘reward’ ko, I make sure na ‘yung order ko is good enough to last me. And puwede kong iluto ulit in another way,” ani Jasmine.

Habang tigil muna sa taping ang pinagbibidahang GMA series na DOTS PH, muling napapanood ang rerun ng Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad

.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ken Chan, may bagong pinagkakaabalahan habang naka-quarantine

Heart Evangelista, nagbenta ng painting para makatulong sa frontliners