in

Faye Lorenzo, gustong maging kontrabida

Malakas pa rin ang hatak online ng patok na sketch nina Faye Lorenzo at Archie Alemania o ang tinaguriang Team FayeChie.

Matapos kasing ipalabas ang kanilang “Shoplifter” sketch sa Bubble Gang noong Pebrero, humakot na ito ng mahigit 28.9 million views at ito pa ang most-viewed clip ng Kapuso gag show sa Youtube as of writing.

Samantala, kilala man sa pagpapatawa ang sexy Kapuso actress na si Faye, gusto niya rin daw gumanap bilang kontrabida sa isang serye. “Kasi comedian ako. Masiyahin akong tao kaya gusto ko naman makita nila kung paano ako ng maldita naman,” ito ang pahayag niya sa summer special ng GMA News Online, kung saan napabilang siya sa “Girls of Summer” feature ng online news site.

Kuwento niya pa, pangarap niya talagang makilala bilang isang mahusay na artista, “Oo. Bata pa lang ako gusto ko na maging artista kasi gusto kong umarte. Gusto kong makilala and gusto kong makita ng mga tao na may talent ako.”

Maaaring bisitahin ang GMA News Online website para mas makilala pa si Faye at ang iba pang sexy Kapuso ladies na tampok sa “Girls of Summer” Cover Stories.  

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Naggagandahang Kapuso stars, tampok sa ‘Girls of Summer’

Apat na Kapuso hunks, maglalaban sa ‘Quiz Beh!’