in

Chynna Ortaleza, ikinuwento kung paano naging confident sa pagluluto

Aminado ang ‘Idol sa Kusina’ host na si Chynna Ortaleza na noon ay wala siyang kahit anong background pagdating sa pagluluto.

Aniya, “Actually I was surprised when they called me and asked me to co-host with Chef Boy Logro sa ‘Idol sa Kusina’ dahil wala talaga akong alam sa pagluluto.”

Pero ngayon daw ay marami na siyang natutunan mula kay Chef Boy at sa pagiging host niya, “What’s nice about Chef Boy is he’s a very patient teacher. Sinasabi niya sa akin lagi na practice lang daw at ‘wag ako matakot mag-experiment. After a year with ‘Idol sa Kusina’ dun ko na-feel na tinubuan na ako ng confidence sa paga-assist kay Chef Boy at masaya rin dahil life skill ang natututunan ko sa kanya.” 

Napapanood ang ‘Idol sa Kusina’ tuwing Linggo ng gabi sa GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tom Rodriguez, siguradong si Carla Abellana na ang kanyang ‘The One’

Cassy Legaspi, ibinahagi ang workout routine