in

Ruru Madrid, sasabak sa “E-Date” kasama ang maswerteng fan

Ikaw ba ay masugid na tagahanga ng Kapuso Action Drama Prince na si Ruru Madrid? Kung ganoon, huwag palalampasin ang chance na makasama siya sa isang online date ngayong Huwebes, May 28, 8PM.

Mag-comment lamang sa post ng GMA Artist Center tungkol dito at sagutin kung bakit ikaw ang dapat mapili ng aktor para sa espesyal na gabing ito. Pag ikaw ang nanalo, live na live mong makaka-kuwentuhan si Ruru sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Artist Center.

Bukod kay Ruru, marami pang nakapilang mga Kapuso artists ang sasabak sa “E-Date Mo Si Idol,” kaya siguraduhing laging nakatutok sa social media pages ng GMA para maging updated. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Heart Evangelista, ibinahagi ang nararanasang depresyon sa ‘KMJS’

Marian Rivera, na-maintain ang sexy figure