Matuturing daw na isa sa pinaka-malaki at unforgettable moments sa career ng Kapuso star na si Mark Herras ang kaniyang naging journey sa kauna-unahang StarStruck season kung saan siya hinirang na ‘Ultimate Male Survivor.’
Nagdiriwang na si Mark ng kaniyang ika-17 na taon sa showbiz at masaya siyang maging loyal Kapuso hanggang ngayon. Sa isang exclusive interview sa GMA Network, “Until now, may mga events na nagpapaalala sa’kin ng nakaraan ko. For example, I was a part of this charity event siguro a few months ago and ‘nung tinawag ‘yung pangalan ko, parang na-relive ko, bumalik sa alaala ko ‘yung sigaw ng tao. Masarap sa pakiramdam na it’s still there, nakakatuwa lang. I’m just really thankful for everything na na-experience ko sa industriyang ‘to,” aniya.
Matatandang kamakailang nag-trending ang tinaguriang ‘Bad Boy of the Dance Floor’ sa TikTok video niya habang sumasayaw ng pinasikat ng ‘Average Joe’ dance craze.