Naniniwala si Kapuso actress Janine Gutierrez na health ang dapat na top priority sa panahon ngayon kung kailan lumalaganap ang nakakabahalang sakit na COVID-19.
Pag-amin ni Janine sa kanyang eksklusibong panayam sa Kapuso Network, ilang mga pelikula nito ang naapektuhan dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine at isa na rito ang sasali sana sa isang international film festival.
Naka-schedule sanang opening day noong April 11 ang kanyang pelikula kasama si Paolo Avelino na pinamagatang ‘Ngayon Kaya’ na kalahok sa summer film festival. Bukod sa cancelled trips niya sa Japan at Bangkok pati na rin ang mga naantalang taping, mas nangingibabaw kay Janine ang pagbibigay importansya hindi lang sa kanyang kalusugan kung hindi ng lahat ng nakakasalamuha.
“Cases are still rising ‘di ba? So parang mahirap talaga mag-shoot eh. We don’t know yet kung anong magiging precautions ng network or ng mga production companies,” pahayag nito.
Kasalukuyan namang inaayos na ang mga guidelines sa muling pagbabalik ng produksiyon ng telebisyon at pelikula sa ilalim ng tinatawag na ‘new normal’ dulot ng kinakaharap na pandemya.