in

Elijah Alejo, binalikan ang unforgettable memories niya sa ‘My Husband’s Lover’

Inalala ng Kapuso teen actress na si Elijah Alejo ang mga masasayang alaala niya sa primetime series na ‘My Husband’s Lover’ kung saan ginampanan niya ang karakter ni  Munchkin, ang anak ng mga karakter nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na sina Vincent at Lally.

Aniya, “Actually, nami-miss ko po maging si Hannah Munchkin. Nakaka-miss din po ‘yung bata ka po na anak ka lang tapos po ‘yung bine-baby baby ka po. Kasi sa set po, kung paano po ako tratuhin nila daddy Tom at mommy Carla, ganun din po [offcam].”

Ayon kay Elijah, marami siyang fun memories sa set at ang naging bonding nila ng kanyang co-stars sa serye. Samantala, muling napapanood ang My Husband’s Lover sa GMA Telebabad pagkatapos ng Meant To Be na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at Addy Raj.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabby Concepcion, ipinasilip ang abs sa fans

Viewers, napa-throwback sa ‘Art Angel’