in

Marian Rivera at Baby Ziggy, may gigil moment

Perfect timing ang pagkakakuha ni Dingdong Dantes sa litrato ng asawang si Marian Rivera at ng kanilang bunso na si Baby Ziggy sa kaniyang recent Instagram post!

Huling-huli kasi ang nakakatuwang gigil moment ng mag-ina kung saan makikitang “Pinapak!” ni Marian ang baby nila. 

Sa sobrang guwapo at cute ni Ziggy, hindi talaga mapipigilan ng ina ang pagbibigay dito ng mga matatamis na halik! Hilig din talaga ni Dingdong ang pagkuha ng photos ng kaniyang pamilya at pagbahagi ng mga ‘to sa social media. Aliw na aliw naman ang fans sa Dantes Squad online!

Samantala, simula noong Lunes, mapapanood na ang rerun ng pinagbidahang serye ni Dingdong kasama ang aktres na si Rhian Ramos na ‘Stairway to Heaven,’ sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Local newscasts ng GMA Regional TV, mapapanuod na rin sa GMA News TV!

Michelle Dee, may bagong project sa GMA Network!