in

Local newscasts ng GMA Regional TV, mapapanuod na rin sa GMA News TV!

Mas marami pang Kapuso viewers ang makakapanuod ng mga local newscast ng GMA Regional TV dahil simula nitong Lunes (May 18), may replay na ang mga ito gabi-gabi sa leading news channel na GMA News TV.

Tinawag na GMA Regional Strip ang nasabing slot kung saan bawat gabi, may isang local newscast ang eere sa ganap na 9:45 pm.

Tuwing Lunes, ang leading North Central Luzon newscast na GMA Regional TV Balitang Amianan ang mapapanuod. Pagsapit naman ng Martes, ang Kapuso local newscast sa Central and Eastern Visayas na GMA Regional TV Balitang Bisdak ang mapapanuod. Mas marami ring magiging updated sa balita sa Western Visayas dahil pwede nang mapanuod ang pioneering unified Hiligaynon newscast na GMA Regional TV One Western Visayas tuwing Miyerkules ng gabi. Bandang timog naman ang bibida tuwing Huwebes sa unified local newscast na GMA Regional TV One Mindanao. Friday nights will never be the same dahil mapapanuod na rin ang replay ng morning show na GMA Regional TV Live!

Bago ang replays sa GMA News TV, mapapanuod ang mga nasabing GMA Regional TV newscasts Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 5 pm sa lahat ng local channels nationwide ng Kapuso Network. Ang GMA Regional TV Live! naman ay unang mapapanuod tuwing 8 am sa GMA Regional TV Central and Eastern Visayas channels. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, tuluy-tuloy ang pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic

Marian Rivera at Baby Ziggy, may gigil moment