in

Gabbi Garcia, kinilig sa papuri ni Sharon Cuneta

Kinilig naman si Kapuso actress and Encantadia star Gabbi Garcia sa papuri ni Sharon Cuneta sa kanyang recent Instagram picture.

Sa larawan na ipinost ni Gabbi mula sa kanyang Magazine photoshoot kung saan napapaligiran ito ng electric fan, sinabi ni Sharon na sa tingin nito ay isa si Gabbi sa may pinakamagandang mukha sa industriya.

“I think you are one of the most beautiful,” ani ng Mega Star.

Kilig na kilig namang nag-reply si Gabbi sa papuring natanggap mula beteranang aktres, “Omg Hi Ms. @reallysharoncuneta! I’m so kilig! Thank you po, stay safe always! My parents and I just re-watched “Caregiver” last night.”

Bukod sa kanyang aktibong pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic, kasalukuyang napapanood si Gabbi sa rerun ng pinagbibidahang telefantasya na Encantadia kasama sina Glaiza de Castro, Sanya Lopez, at Kylie Padilla sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Barbie Forteza at Joshua Dionisio, sinariwa ang kanilang tambalan sa ‘Stairway to Heaven’

Janine Gutierrez, nais muling bisitahin ang Switzerland