in

Barbie Forteza at Joshua Dionisio, sinariwa ang kanilang tambalan sa ‘Stairway to Heaven’

Muling binalikan nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at dati nitong ka-loveteam na si Joshua Dionisio ang kanilang tambalan noon sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Stairway to Heaven taong 2009.

Gumanap ang tambalang JoshBie bilang batang Jodi at Cholo sa naturang serye na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

Sa kanilang panayam sa Chika Minute, ibinahagi ni Barbie na hindi raw nito malilimutan na lumuwas pa sila mula Biñan, Laguna para mag-audition. “Kakaibang experience kasi first time ko mag-audition sa harap ng director. Usually kasi sa harap ng caster, di ba, hindi talaga director,” ani ni Barbie.

Ang Stairway to Heaven ang siyang nagbigay ng big break sa career ng Kapuso actress na bumida na sa iba’t ibang teleserye sa GMA-7 kabilang na diyan ang umeere ngayong Meant To Be sa GMA Telebabad.

All smiles naman si Joshua Dionisio nang alalahanin nito ang pinagsamahan nila ng dating kaparehang si Barbie.

“‘Yung kakulitan talaga, e. Iba rin talaga ‘yung comedy talaga, masaya talaga siyang katrabaho,” saad ni Joshua.

Tumigil si Joshua sa pag-aartista upang ipagpatuloy ang kanyang pagkuha ng Industrial Engineering.

Gayunpaman, naniniwala ito na maraming dating supporters nila ni Barbie ang matutuwa sa muling pagbabalik ng kanilang tambalan sa Stairway to Heaven na mapapanood tuwing hapon pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rhian Ramos, binalikan ang mga alaala sa taping noon ng ‘Stairway to Heaven’

Gabbi Garcia, kinilig sa papuri ni Sharon Cuneta