in

‘Pepito Manaloto,’ nag-trending, best comedy show ayon sa netizens

Kamakailan naman ay nag-trending ang longest-running sitcom na Pepito Manaloto sa Twitter matapos purihin ito ng netizens at hilingin pa na ilagay sa sikat na streaming site ngayon na Netflix.

“I think Pepito Manaloto should be on Netflix.”

Iyan ang tweet ng netizen na si Antonio na umabot sa 30k likes at mistulang naging dahilan kung bakit nag-trending ang naturang comedy series ng GMA na Pepito Manaloto na recently lang din ay nagdiwang ng ika-10 anibersaryo nito magmula nang umere noong 2010.

Bumuhos naman ang positive feedback mula sa mga netizens na naglabas ng kani-kanilang magagandang alaala at mga aral na napulot sa pinagbibidahang show ni comedy genius Michael V.

“One of the few comedy shows that have individual character development, hindi nagrerely sa “hampas dyaryo sa ulo” type of humor, sobrang witty, not cringy, brilliant scripts at hindi pilit ang paginsert ng values,” dagdag pa ng netizen na si Eyd.

Binati rin ng isa sa cast na si Mikoy Morales ang ika-10th anniversary ng show sa pagpopost ng mga behind-the-scenes photos ng cast na kuha niya mismo sa kanyang Twitter account.

Sundan ang nakakaaliw na kwento ng Pepito Manaloto, tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rocco Nacino, may pa-feeding activity para sa frontliners

Pagganap ni Dingdong Dantes bilang Cholo sa ‘Stairway To Heaven,’ nagbigay sa kanya ng first acting award