in

Mikael Daez, masaya sa paggaling ng aso nila ni Megan Young

Ibinahagi ni Love of my Life star Mikael Daez ang emotional roller coaster na pinagdaanan nila ng asawang si Megan Young matapos tamaan nang malubhang sakit ang alagang aso na si Soba.

Madalas na kasa-kasama ng mag-asawa ang kanilang toy poodle na si Soba sa mga YouTube vlogs, podcasts, at Instagram photos.

Sa latest post ni Mikael, lubusan daw ang takot at pag-aalala nila ni Megan matapos magkasakit si Soba. Dahil first dog ng mag-asawa, wala raw silang prior experiences pagdating sa mga dapat gawin kapag nagkakasakit ang aso.

Isang gabi raw ay nagsuka ito nang sampung beses to the point na mangayayat at hindi na ito makatayo mag-isa. Sa abiso na rin ng asawang si Megan, isinugod ng dalawa si Soba sa ospital. Matapos daw ang dalawang linggo at patong-patong na kaba, naiuwi na rin nila ang alagang aso.

“She’s happy and fluffy again and we’re just glad the worst is over. To all the pet owners out there, we finally understand the attachment you have to your pets– medyo intense,” ani ni Mikael.

Nagpaabot naman ng suporta at pasasalamat sa recovery ni Soba ang Love of my Life co-stars nitong sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na kapwa pet lovers din.

Samantala, habang tigil muna sa taping ang Love of my Life, napapanood ang rerun ng My Husband’s Lover sa timeslot nito sa GMA Telebabad.  

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dingdong Dantes at Rhian Ramos, binalikan ang pagganap sa ‘Stairway to Heaven’

Boobay at Tekla, makikipagkulitan sa netizens sa live chat session ng YouLOL