in

Max Collins, may na-discover kay Pancho Magno habang naka-quarantine sa bahay

Sa online interview nina Max Collins at Pancho Magno, naikuwento ni Max na na-discover daw niyang magaling pala mag-paint si Pancho.

Noong high school daw ay mahilig na mag-paint si Pancho, ngunit ngayong naka-quarantine lang ulit niya naisipang gawing libangan ito. Acrylic ang medium na gamit niya, at sa ngayon ay kadalasan mga lugar sa bahay nila tulad ng balcony, sala, at garden ang mga ipini-pinta nito.

Samantala, nalalapit na ang due date ni Max ngayong July. Dagdag na kwento ng Kapuso actress, may pangalan na daw silang napili pero sikreto muna. Excited na rin sila pareho na makilala ang kanilang baby boy.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabby Concepcion, ipinasilip ang simpleng buhay sa Batangas

Joyce Ching, excited nang mag-honeymoon pagkatapos ng ECQ