in

Kris Bernal, nakahandang i-celebrate ang kaarawan sa isang live workout session

Ipapakita ng Kapuso actress na si Kris Bernal kung paano niya ipagdiriwang ang kanyang ika-31 kaarawan sa paparating na May 17, Sunday, sa pamamagitan ng live workout session at invited ang lahat ng kaniyang mga fans dito!

Ibinalita ni Kris sa Instagram ang nalalapit na celebration, “#TheHappyBirthdayKrisBWorkout, Since so many of you have been requesting for a LIVE WORKOUT, you ask, I deliver!” 

Dahil request daw ng marami na ma-witness kung paano na-achieve ng aktres ang seksing pangangatawan, pagbibigyan daw niya sila na samahan siyang mag-exercise sa kaniyang YouTube channel. Mamimigay din daw si Kris ng mga regalo sa jo-join dito!

“First time ever!! Join me on my birthday, May 17, Sunday, 4:00 PM, on my YouTube channel for a sweaty Sunday session + GIVEAWAYS! What particular workout/challenge do you want me to share?”

Abangan ang exciting na event na ito online! Manatiling updated sa mga ganap ni Kris through her social media pages.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Iya Villania, nagbahagi ng potty training tips para sa mga nanay

Chynna Ortaleza, LJ Reyes at Dion Ignacio, mayroong quarantine tips!