in

Jeric Gonzales, mas pumayat ngayong ECQ?

Kapansin-pansin ngayon ang mas fit na pangangatawan ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales sa gitna ng enhanced community quarantine.

Doble raw kasi ang pangangalaga niya sa kanyang kalusugan. Kuwento niya, “Mas balanced ‘yung diet ko ngayon unlike sa taping na lagi kaming puyat at pagod. And then, kailangan mo ng energy kaya kumakain kami ng junk food at ng sweets. Ngayon, well-balanced na ang diet ko dahil lutong bahay at luto ng nanay ko. Puro gulay!”

“Nakakapag-exercise din ako ngayon araw-araw na hindi ko nagagawa dati. Gustuhin ko man mag-workout pero ‘di ko nagagawa. Ngayon ang dami kong time para mag-workout and mag-exercise. I feel good because I lost weight,” dagdag pa ni Jeric.

Isa pa raw sa libangan niya ngayon ang panonood ng mga Korean drama series o K-drama.
Aniya, “Nagkaroon ako ng time manood ng maraming movies, series, but more specifically Korean dramas. Mas marami akong napanood na K-dramas na nakakarelaks, nakakakilig, at maganda rin siyang stress reliever sa pagka-bored natin.”

Samantala, para sa mga nakaka-miss kay Jeric sa telebisyon, mapapanood pa rin ang full catch-up episodes ng Magkaagaw sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Chynna Ortaleza, LJ Reyes at Dion Ignacio, mayroong quarantine tips!

Miguel Tanfelix, ibinahagi ang dream role