in

Gabby Concepcion, ipinasilip ang simpleng buhay sa Batangas

Nakahanap ng maraming paglilibangan ang versatile Kapuso actor na si Gabby Concepcion habang naka-quarantine sa kanyang homestead sa Lobo, Batangas.

Matapos ipasilip sa kanyang followers ang kanyang mga tanim na gulay at puno sa farmhouse, ipinakita naman ni Gabby sa kanyang latest vlog ang ginagawang pangingisda at paglalagay ng graba sa kalsada habang nasa probinsya. Ilan lang ito sa mga pinagkaka-busihan ng aktor simula ng mamalagi siya sa Batangas noong magsimula ang lockdown. 

Sinisigurado ng aktor na marami siyang pinagkakaabalahan at ginagawa kahit malayo sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Samantala, bibida si Gabby sa upcoming GMA series na ‘First Yaya’ katambal ang Primetime Queen na si Marian Rivera. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Willie Revillame, mas pinabongga ang mga papremyo sa 5th anniversary ng ‘Wowowin’

Max Collins, may na-discover kay Pancho Magno habang naka-quarantine sa bahay