in

Derrick Monasterio, may handog na kanta para sa frontliners

Nakatakdang i-launch ng Kapuso actor at singer na si Derrrick Monasterio ang music video ng kanyang awitin na alay para sa lahat ng magigiting na frontliners na patuloy na nagsasakripisyo para labanan ang COVID-19 pandemic.

Ang kantang ‘Panalangin sa Pagiging Bukas Palad’ ay collaboration project ng aktor at ng GMA Artist Center, GMA Music, at ni Wano Henson, ang Xavier student na tumugtog nito pati na rin ng Jesuit Music Ministry.

Nais ding bigyang-pugay ni Derrick sa pamamagitan ng kanta ang kanyang mga kababayan na itinuturing na mga bayani ngayong may kinakaharap na krisis ang buong mundo.

Abangan at panoorin ngayong Biyernes ang music video ni Derrick na “Panalangin sa Pagiging Bukas Palad,” 7 p.m. sa GMA Network website at YouTube channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Joyce Pring, naging emosyunal sa throwback Korea vlog

Aiai Delas Alas, katuwang ang buong pamilya sa kanyang baking business