in

Andrea Torres at Benjamin Alves, tampok sa ‘Magpakailanman’

Ngayong Sabado (May 16), muling mapapanood ang isang nakakagimbal na episode ng ‘Magpakailanman’. 

Ang episode na pinamagatang “Ang Asawa Kong Aswang”, tampok rito sina Andrea Torres at Benjamin Alves bilang sina Gloria at Johnny.

Bagong salta sa bayan nila ang dalagang si Gloria. Dahil sa ganda, napamahal sa kaniya si Johnny at di nagtagal ay nagpakasal sila. Pero nang magsama sa bahay, napansin ni Johnny na unti-unting nagbabago ang ugali ng asawa. May mga hayop ring wala nang dugo ang nakikita malapit sa bahay nila. Dahil dito, naghinala ang mga kapitbahay na isang aswang si Gloria.

Aswang nga ba siya, o may diperensiya sa pag-iisip?

Abangan ang ‘Magpakailanman’ ngayong Sabado nang gabi sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Miguel Tanfelix, ibinahagi ang dream role

Dingdong Dantes at Rhian Ramos, binalikan ang pagganap sa ‘Stairway to Heaven’