in

Rhian Ramos, sumubok sa “Tagalog Only Challenge”

Kinaya kaya ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang magsalita lamang ng Tagalog ng matagalan?

Malalaman ito sa pinakabago niyang vlog na inupload sa kaniyang YouTube channel! 

Ayon sa aktres, ang nag-udyok sa kaniya raw na gawin itong challenge na ito ay dahil pinupuna siya ng ilang mga viewers na hindi daw siya madalas nagsasalita ng Tagalog. 

Aniya, “Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga nagsabi na gawin ko ‘to dahil natutuwa talaga ako na sinubukan ko siya kahit hindi ko ginawa ng isang buong araw dahil baka mag-away kami [ni Amit], natutuwa pa rin ako dahil sinubukan ko siya at marami din akong natutunan sa napakaikling panahon.”

Habang hindi muna napapanood si Rhian sa GMA primetime series na ‘Love of my Life’ dahil stop taping ang mga programa bunsod ng sitwasyon ng bansa ngayon, inaaliw na lang muna niya ang mga fans sa kaniyang vlogs. Samantala, simula Lunes (Mayo 18), muling mapapanood ang pinagbidahang serye ni Rhian kasama si Dingdong Dantes na ‘Stairway To Heaven’ pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mark Herras, ginawan ng dance steps ang ‘Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko’ single ni Betong Sumaya

Rocco Nacino, nagbahagi ng ilang behind-the-scenes stories mula sa “Bar Boys”