in

Jennylyn Mercado, nag-alay ng kanta para kay Mommy Lydia

Isang madamdaming kanta ang inalay ni Ultimate Star Jennylyn Mercado para sa kanyang late adoptive mother na si Mommy Lydia.

Nitong nakaraang Mother’s Day, ibinahagi ni Jen ang kantang “Kung Andito Ka Pa”, na isinulat ng kaibigang si Nar Cabico. Una itong napakinggan sa YouTube channel ni Jen noong November 21, 2019.

Sa isang Facebook post, sinabi ng ‘Descendants of the Sun’ actress na, “This song is dedicated to the person who raised me as her own. I miss you, Mama. Para din po sa lahat ng naranasan na mawalan ng mahal sa buhay o malayo sa piling nila, sana ay magustuhan n’yo ang kantang ito and may we remember them together. #HappyMothersDay”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kabayanihan ng Pinoy sa gitna ng COVID-19, binibida ng Kapuso Network

Ina Feleo at Laurice Guillen, panonood ng k-drama ang bonding sa bahay