in

Elijah Alejo, nilinaw na magkaibigan sila ni Jillian Ward

Pinabulaanan ng Kapuso teen actress na si Elijah Alejo ang mga kumakalat na isyung magkaaway daw sila ng kapwa ‘Prima Donnas’ star na si Jillian Ward.

Ayon kay Elijah, “Ang masasabi ko lang sa mga nagsasabi na magkaaway kami ni Jill, ang i-issue n’yo sobra, hindi nga kami magkaaway, e. Nung nakita namin ‘yun, nag-usap kami, natatawa lang kami.” 

Ipinaliwanag niya na katuwaan lang daw nila ang mga paandar sa Twitter at hindi inasahang pagmumulan pa ito ng isyu.

Good friends daw ang dalawa at talagang sa teleserye lang sila magka-karibal! Bata pa lamang sina Elijah at Jillian ay magkasama na sila sa showbiz, masasabi pa ngang magkasama silang lumaki sa industriya.

Samantala, pansamantalang hindi napapanood ang Prima Donnas dahil tinigil ng GMA Network ang produksyon nito dahil sa banta ng COVID-19.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rodjun Cruz, may 1.1M followers na sa IG!

‘Stairway To Heaven,’ magbabalik-telebisyon simula Mayo 18