in

Serye nina Lovi Poe, Max Collins at Tom Rodriguez na ‘Someone To Watch Over Me,’ mapapanood sa Dominican Republic

Nakatakdang ipalabas sa Dominican Republic ang hit GMA primetime series na ‘Someone To Watch Over Me’ simula Mayo 21.

Ang drama series na ito ay pinagbidahan nina Lovi Poe, Max Collinsat Tom Rodriguez. ‘No Me Olvides’ ang magiging titulo ng serye kapag pinalabas na ito sa bansa. Dahil sa magandang balita, nagpost si Lovi ng throwback photo niya kasama si Tom.

Aniya, “Que lo que, DR? Are you ready for #NoMeOlvides??! Remember this guys? It’s been four years since I portrayed Joanna in #SomeoneToWatchOverMe, yet it’s one of my most memorable projects. I’m glad this will be shown in the Dominican Republic starting May 21st every 4pm at Color Vision Canal 9.”

Iikot ang kwento ng drama series sa walang hanggang pagmamahal ni Joanna (Lovi) sa asawang si TJ (Tom) na maysakit na early-onset Alzheimer’s disease.

Dahil sa sakit ng asawa, kailangan magsakripisyo ni Joanna kahit pa muling bumalik sa kanilang buhay ang ex-girlfriend ni TJ na si Irene (Max). 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Marian Rivera, bida sa tribute video para sa mga nanay

Kim Domingo, ginawan ng painting ng tagahanga