in

Marian Rivera, bida sa tribute video para sa mga nanay

Hindi naging hadlang ang ECQ para hindi ipamalas ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang kaniyang husay sa pag-arte!

Sa isang tribute video na idinirek ng asawang si Dingdong Dantes para sa Mother’s Day, ibinida ni Marian ang mga sakripisyo at responsibilidad ng mga ina sa Pilpinas.

Gamit ang tula ni Yan Yuzon na pinamagatang ‘Maliit Na Bagay,’ tagos sa puso ang pagganap ni Marian dito sa maikling video na ito na mapapanood online sa kaniyang Instagram page.

Samantala, aliw na aliw din ang netizens sa mga pictures ng panganay nilang si Zia sa mga costumes ng mga karakter na ginampanan ni Marian noon na sina Darna at Dyesebel.

Nag-viral sa social media ang game na game na pag-pose ni Ate Z sa camera! Biro pa ni Marian, “Wala na finish na” dahil panalo talaga ang ka-cute at bibong-bibo na panganay nila!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kris Bernal, nakatanggap ng makeover mula sa mom niya

Serye nina Lovi Poe, Max Collins at Tom Rodriguez na ‘Someone To Watch Over Me,’ mapapanood sa Dominican Republic