in

Kris Bernal, nakatanggap ng makeover mula sa mom niya

Sinakto ng Kapuso actress na si Kris Bernal ang pag-upload ng kaniyang bagong vlog sa Mother’s Day dahil mapapanood siya ritong binibigyan ng makeover ng kaniyang ina!

Sumabak si Kris sa “Mom Does My Makeup using SHE Cosmetics” challenge kasabay ng pag-sagot ng mga tanong ng netizens at fans sa kaniyang mom.

Nakaka-aliw ang video na ito at sa ibinahagi rin ng aktres na mensahe para sa mahal niyang ina sa Instagram, “Happy Mother’s Day ma! You are my biggest inspiration and influence! I love you!”

Pinaalalahanan din niya ang mga followers niyang samantalahin ang quarantine para lalong malapit sa mga mahal sa buhay.

Aniya, “Take a break from your life, sit down with your mother, catch up with her, and give her your undivided time.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Netizens, kinakiligan ang first vlog nina Rayver Cruz at Janine Gutierrez

Marian Rivera, bida sa tribute video para sa mga nanay