in

Kim Domingo, ginawan ng painting ng tagahanga

Ramdam sa Instagram Story ni Kim Domingo ang kanyang kagalakan nang makita ang painting niya na gawa ng kanyang tagahanga.

Sa Instagram post ng artist na si @gii_bii_arts, ibinahagi nito kung gaano kabait ang Bubble Gang star sa tulad niyang isang fan.

“Sa mga Artista na na-meet ko na at Hindi ko inakalang naiiba sa mga artista na nakilala ko. Sobrang Bait nya nung una akala ko Mataray, Masungit, o Mataas sya pero nagkamali ako dahil grabe kung ituring nya yung mga Fans nya ay para nang isang Pamilya kaya naman nung araw na nameet ko sya ng Personal ay masasabi Kong is a sya sa dapat na Idolohin at nararapat na makatanggap ng Loyalties sa kanyang mga Tagahanga at isa na ako doon.”

Kaya bilang sukli, gumawa siya ng painting ni Kim. Dagdag niya, “Kaya naman sana ay magustuhan mo itong ginawa kong Painting para sayo Ate Kim.”

Pinusuan naman ito ni Kim at ni-repost pa sa kanyang Instagram Story ang ginawang artwork ng kanyang fan. Sabi nito sa post, “Aw! Sweet. Salamat sa pagmamahal, nakakatuwa. Ang galing mo.”

Samantala, nag-enjoy din ang netizens sa kulitan kasama sina Kim, Valeen Montenegro, Chariz Solomon, Lovely Abella, Faye Lorenzo, Arra San Agustin, at Analyn Barro sa YouLol live chat session na ‘Ladies Room’ na napanood sa comedy channel ng GMA na YouLOL. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Serye nina Lovi Poe, Max Collins at Tom Rodriguez na ‘Someone To Watch Over Me,’ mapapanood sa Dominican Republic

Willie Revillame, happy at proud sa pagdiriwang ng ika-5 anibersaryo ng ‘Wowowin’ sa GMA Network