in

Winwyn Marquez, masayang pinagdiwang ang birthday kahit naka-quarantine

Kahit stuck at home man dahil sa enhanced community quarantine si Kapuso star Winwyn Marquez, masaya pa rin namang ipinagdiwang nito ang kanyang 28th birthday nitong nakalipas na May 4 sa piling ng kanyang pamilya.

May realization naman ang Kapuso star sa kakaiba nitong birthday experience ngayong panahon ng pandemic, “This is not the birthday I planned but I am happy to have spent it at home with my family and got connected with some family members and friends throughout the day through different platforms.”

Para sa kanyang birthday wish, ninais ni Winwyn ang kaligtasan ng lahat pati na rin ang tuluyang pagtigil ng sakit na COVID-19.

“When I blew my candle, all I wanted is for everyone to stay healthy and safe, and that this pandemic will end. Let us not allow fear and anxiety to rule over us.” Hindi man nakapagdiwang sa labas ng kanyang tahanan, inulan naman ng birthday greetings si Winwyn mula sa kanyang kapwa Kapuso artists gaya nina Rodjun Cruz, Pancho Magno at Rochelle Pangilinan.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rodjun Cruz at Dianne Medina, patuloy ang pagtulong sa frontliners

Sunshine Dizon, ibinahagi ang bagong achievement ng anak habang naka-quarantine