in

Sofia Pablo, Althea Ablan at Elijah Alejo, mapapanood sa Playlist Live

Sa unang stay-at-home version ng Playlist Live ay mapapanood nating umawit sina Sofia Pablo, Althea Ablan at Elijah Alejo.

Makakakuwentuhan at makakakulitan ng fans  ang tatlong Prima Donnas stars ngayong Sabado, May 9, kaya naman looking forward na rin ang young Kapuso actresses dito. 

Ipinaliwanag naman ni Jillian kung bakit hindi siya makakasama sa kanyang co-stars at mga kaibigan sa Sabado.

Kuwento niya, “Naga-allergy po ako kaya minsan kapos na po ako sa notes kasi hindi ko po naaaral ‘yung pagkanta ko ngayon.” Hindi man makakasama, full support naman daw ang ibibigay niya, “Proud po ako sa kanila and naniniwala po akong walang magkakamali sa kanila.”

Tutok na ngayong Sabado, May 9, 7 P.M. sa GMANetwork.com/Playlist, Facebook pages ng GMA Network at GMA Playlist, GMA Network Twitter account, o GMA Playlist Youtube channel. Huwag ding kalimutang gamitin ang official hashtag na #PrimaDonnasOnPlaylistLive para makasali sa kuwentuhan!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Glaiza de Castro, may kanta para sa frontliners

Kyline Alcantara, maraming nami-miss dahil sa enhanced community quarantine